Panuto: Basahin ang kuwento at suriin. Gamitin ang pormat sa ibaba….

Question Answered step-by-step Panuto: Basahin ang kuwento at suriin. Gamitin ang pormat sa ibaba…. Panuto: Basahin ang kuwento at suriin. Gamitin ang pormat sa ibaba.  HHhaaAAaaaaYYYYyyyyYYy…….(malalim pa sa malalim na buntong hininga)Ni Joemar M. Cornelio Maganda ang araw na yaon. Matindi ang sikat ng araw, tuyo ang bawat hibla ng damo at dahon sa parang, matingkad ang kulay ng mga talulot ng mga bulaklak sa napakalawak na daang nilalakaran ko. Pauwi na ako galing sa palaruan kasama ang kaututang dilang si Pao. Katatapos pa lang naming maglaro ng basketball kasama ang mga barkada. Walang senyales na uulan. Habang kami ay naglalakad pauwi, isang patak ng luha mula sa malawak at asul na langit na noo’y unti-unting nababalot na ng kadiliman. Kami ay mabilis na nagtatakbo… “hooohh!!” (sigaw ni Pao). “Hintayin mo ako!!” (sambit ko) na kumakaripas na rin sa pagtakbo.  Nakauwi na ako sa bahay ng biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Napakadilim ang buong paligid. Pagkatapos makapagpalit ng damit agad akong nagtungo sa kusina upang kumuha ng makakain at magtimpla ng kapeng barako, pumanhik sa taas ng bahay at tumambay sa aking kuwarto. Mula sa salamin ng bintana, tanaw na tanaw ko ang mga sasakyan at taong dumaraan, ang patak ng milyong-milyong butil ng ulan. Sa pagdungaw ko aking napansin ang magkasintahang dumaraan “Hayyyyyyy…” buntong hininga ko. Naala-ala ko ang nakaraan. Naala-ala ko si Maria, ang aking dating nobya. Nagbalik sa aking ala-ala ang mga masasayang sandali na pinaghatian namin, ang galak at tuwa, ang mga oras at bawat segundo na patuloy na umiinog sa amin at hindi ko alintana, sapagkat sa aming dalawa lamang ang aking tuon. Palagi kaming magkasama ni Maria, pag-uwi ko galing eskwela, kaagad akong pumupunta sa tapat ng dambana, sa parkeng kinaroroonan ng rebulto ng isang lalaki, uupo at hihintayin ko ang dapit-hapon hanggang sa gumabi at dumating ang pinakahihintay kong irog. Sanay na akong maghintay ng matagal dahil sa sobrang abala ng aking nobya sa kanyang pag-aaral. Kumukuha siya ng kursong pagtuturo sa sekondarya. Nauunawaan ko naman na kaunti lang ang oras niya para sa aming relasyon. Magkagayunman, ayaw kong masayang ang araw ng aming pagniniig. Pinipilit kong maging masaya kami. Pagdating na pagdating niya sa aming tagpuan panay ang kuwento ko tungkol sa aking mga kamag-aral, kaibigan, guro at lahat ng nangyari sa akin. Masaya kami tuwi-tuwina at palagi naming paksa ay ang aming plano kapag kami’y magpapakasal na. Ang kulay ng “gown” na isusuot niya at ang “motif” ng aming kasal, ang bilang ng aming magiging mga anak at marami pang bagay ukol sa aming dalawa. Masasabi kong lahat ng aming plano ay perpekto, walang away at walang gulo, walang kaparis ang bawat minuto na kami ay magkasama.  Habang binabalikan ko ang mga ala-ala nang nakalipas biglang dumaloy ang luha sa aking mga mata, nanlamig ang aming relasyon. Pinilit ko siyang unawain subalit binulag ako ng aking panibugho, naghinala akong may iba na siyang mahal at may nagbago. Ang maliligaya naming sandali ay tila binawi na ng tadhana. Madalang na kaming magkita sa ‘di maipaliwanag na sitwasyon. Inisip ko na dapat kong panindigan ang mga pangakong binitawan ko, na hindi ako susuko kahit na anong problema ang dumating sa amin. Nakauubos din pala ng pasensiya kung patuloy kang maninindigan sa sumpaan ninyo na unti-unting nilalamon ng pagdududa at pagdurusa.  Hindi naglaon winakasan na namin ang aming relasyon at ang samahang walang kapara ay natapos na. Nagpasiya kami na maghiwalay panandalian kahit ‘di ko alam ang dahilan upang mabigyan ng distansiya ang isa’t isa. Hindi nagtagal ang distansya ay lumawak, kahit text o tawag ay naputol na rin. Inisip ko, siguro may ipinalit na siya sa akin. Si Maria, at ako ay biktima ng isang panloloko. Hanggang sa makilala ko si Yhel, itinuon ko sa kanya ang aking atensyon dahil sa pait na aking sinapit. Naging magkasintahan kami, paminsan-minsan ay nakikita ko si Maria sa aming tagpuan. Mukhang malungkot at may malalim na iniisip siya. Marahil ay may problema sila ng kanyang nobyo. (sambit ko aking sarili) Isang araw nabalitaan kong tumigil na sa pag-aaral si Maria. Nagtanong-tanong ako kung ano ang dahilan. Napag-alaman kong naghiwalay na pala ang kanyang mga magulang iniwan na sila, ipinagpalit ang kanyang ina. Tila gumuho ang aking daigdig sa natuklasan ko at napagtanto na kaya pala ganoon si Maria may mabigat palang problema. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin sa pagkakataong iyon, magulo ang aking isipan, halo-halo ang naiisip ko, paano ko itatama ang mga maling nagawa ko kay Maria.  Lumipas pa ang dalawang araw, hiniwalayan ko na si Yhel sapagkat bukod sa akin may iba pa palang lalaki sa buhay niya. Muli kong binalikan ang tahanan ni Maria ngunit walang tao. Nagtanong ako sa mga tao sa paligid. Nilisan na pala nina Maria ang kanilang bahay dahil sa mga mapapait na kaganapan sa kanilang buhay, napilitan silang umalis at tumungo sa Bulacan. Tila huli na ang lahat para sa akin, bukod sa nawasak ko na ang aking buhay, nasira ko pati ang aking pangako sa kanya na habang buhay kong ipaglalaban ang pagmamahalan namin. Hindi ako titigil mangarap na kasama siya, patuloy kaming maglalakbay sa rurok ng aming sumpaan.  Haaaaaaayyyyyyy… Mukhang napag-iwanan na si Omar para sa pangangarap ng gising (wika ko sa aking sarili). Kung inunawa ko lang sana si Maria kami pa rin sana magpahanggang sa wakas.  Nasaan na kaya si Maria? Pormat sa pagsusuri:Pamagat ng akda:Teoryang pampanitikanTagpuan at tauhan: BuodSimbolismo at aral: Arts & Humanities Writing Share QuestionEmailCopy link Comments (0)